Para maiba naman, mag-boblog ako sa wikang Filipino. Ito'y napapanahon lamang dahil ngayon ay buwan ng aking Inang Wika, at ang mensahe na gusto kong iparating ay importante na maintindihan ng bawat Filipino (at dahil naaaliw din ako na paglaruan ang Translate Button ng blog ko hihihi).
Kung ikaw ay aking contact sa Facebook at Twitter, malamang mapapansin mo na nitong mga nakaraang araw, madalas akong magbahagi ng mga balita at komentaryo tungkol sa isyu ng anomalya sa paggamit ng Priority Development Assistance Fund (Pork Barrel). Marahil ay nagtataka ka dahil sa totoo lang, hindi ako mapolitikong tao, bagamat bukas ang aking tenga sa mga isyung panlipunan at sensitibo ako sa mga isyung pangkalusugan, kalikasan at edukasyon, hindi ako mahilig makialam sa politikal na aspeto ng mga bagay-bagay. Ang isyu ng pangungurakot ay hindi na bago. Alam nating lahat na ito ay hindi lamang sa Pilipinas nangyayari, kundi sa bawat sulok ng mundo. Pero alam mo yung pakiramdam na meron kang kutob, alam mong me nangyayari, pero pag kapag nakumpirma na ang iyong hinala, ay talaga namang nakakapanggalaiti. Ang lumabas na report ng Commission On Audit, na detalyadong inilantad ang katiwalian ng mga mambabatas sa paggamit ng Pork Barrel ay talaga namang kahindik-hindik! Ang saklaw ng report ay maliit na halaga lamang kung tutuusin, humigit kumulang na anim na BILYONG piso (P6 B), sa maikling panahon (2007-2009). Isipin mo na lang kung ano pa ang ating matutuklasan kung hihimayin ng mga eksperto ang buong alokasyon simula ng naipasa ang batas ukol dito noong 1990 (P25B/year).
Ngayon bumalik tayo sa aking tanong. Bakit ako galit? Ako ay halos sampung taon nang nagtatrabaho, sumusweldo ako kada kinsenas, at bawat sweldo, malaking bahagi ang nakakaltas para sa Income Tax. Nakakahiya mang aminin, pero kung susumahin ko ang aking ibinayad na buwis sa loob ng sampung taon, mas malaki pa ito kesa sa naipon kong pera sa banko. Bukod pa dyan, dahil isa rin akong mamimili, ay nagbabayad din ako ng Value Added Tax sa bawat produkto at serbisyo na aking nakonsumo. Pero sa loob 10 taon, lahat ng lumabas na pera para sa tax ay parang walang kinahinatnan na maganda, as in wala akong maisip o makitang konkretong ebidensya. Hindi ko maramdaman na sumusulong o umuunlad ang ating bansa, palala ng palala ang kahirapan sa kabila ng report na consistent ang paglago ng ekonomiya ng Pilipinas (ang pinakamataas sa Asia as of Q1 2013!). Sampung taon na akong nagcocommute papunta sa opisina at pauwi ng bahay, sa maikling panahon ng pagbibiyahe araw-araw ay nakikita ko ang ILAN sa mga problema ng ating bansa -mga sirang daan, mga batang namamalimos sa kalye, madumi at mabahong lansangan, milyung-milyong iskwater, at marami pang iba. Kung tutuusin, sheltered pa nga ako sa tunay na estado ng kahirapan (I have not seen the worst!). Sa halip, ang buwis na sana ay nalaan sa pagpapabuti ng buhay ng milyung-milyong Pilipino ay nawawaldas lamang sa kapritso ng mga hayup na magnanakaw at kanilang pamilya. Hindi ko maintindihan kung paano nila nasisimukra na magwaldas ng perang kinuha sa kaban ng bayan at mamuhay na pawang mga maharlika. Sigurado akong pamilyar ang mga ito sa kasaysayan ng mga Marcos, bakit kelangan ulitin ang kasaysayan? Bakit ba kung sino pa ang may pinag-aralan ay sila pang walang konsyensya, maari bang isama sa kurikulum iyon?
Ang isa pa sa nakakalungkot na bagay sa scam na ito ay pagkakaroon ng negatibong pagkakakilala sa mga NGO (Nongovernment Organization). Hindi nakakapagtaka na di masyadong nagtitiwala ang mga tao sa mga NGO. Ang mga NGO na tinutukoy sa nasabing scam ay pawang mga HUWAD, ang mga totoong NGO ay malinis ang layunin na ayusin at baguhin ang mundo. Ilan sa alam ko ay hindi tumatanggap ng donasyon galing sa mga korporasyon at gobyerno para makasigurado na walang conflict of interest.
Buwagin ang PDAF.
Ngayon, paano ba aayusin ang gulong ito? Ang sigaw ng taong bayan, i-scrap na ang Pork Barrel. Dahil ito naman talaga ang puno't dulo ng pangungurakot ng mga mambabatas, unang-una, ang trabaho nila ay gumawa ng batas, 'di nila kailangan ng ganong kalaking pondo. Naiintindihan ko ang mabuting layunin na bigyan ang kongreso ng kapangyarihan na matugunan ang pangangailangan ng mga distritong kanilang kinakatawanan, pero ito ay ideal lamang sa mga opisyal na may malinis at tapat na intensyon na magsilbi sa bayan. Pero sa totoo lang, halos imposible yatang mabuwag ang Pork Barrel. Unang-una, ang mga taong responsable sa pag-ammend ng batas ay sya ring mga taong sangkot sa katiwalian. Tapos ang Pangulo mismo ay hindi sang-ayon sa pagkabuwag ng sistema, sa kabila ng opisyal na pahayag na "Panahon na po upang i-abolish ang PDAF" pero ang totoo ay revision at renaming lang naman ang ibig nyang sabihin. Ayoko namang magpaka-negatibo pero kung gusto nating baguhin ang sistema, bakit 'di na lang buwagin ng tuluyan at gumawa ng panibagong sistema. Siguro kasi malaking trabaho, saka baka wala na ring tumakbo sa kongreso at senado, ang susunod na tatargetin ng mga buwaya ay kung saan madidivert yung budget, kung ma-centralize sa executive branch, naku dudumugin ang mga posisyon sa LGU!
Parusahan ang Maysala.
Samantala, wag din nating kalimutan na kelangan managot yung mga sangkot sa katiwalian lalo na yung mga paborito kong consistent na top 3 - Juan Ponce Enrile (my God, he's been a public servant since God knows when, I cannot imagine the amount of wealth he amassed, tsk tsk tsk!), Bong Revilla at Jingoy Estrada.
Ipasa ang FOI Bill.
The State recognizes the right of the people to information on matters of public concern, and adopts and implements a policy of full public disclosure of all its transactions involving public interest, subject to the procedures and limitations provided by this Act. This right is indispensable to the exercise of the right of the people and their organizations to effective and reasonable participation at all levels of social, political and economic decision-making (FOI sec. 2, Declaration of Policy).
Di ba napakaganda ng layunin ng batas na ito, kung bakit naman hindi naisulong. Halatang ayaw ng mga opisyal na ma-scrutinize ang mga "projects" at "transactions" nila. Ngayon, nararapat lang na maipasa ang FOI Bill, parang suntok sa buwan din ito katulad ng pag-abolish ng PDAF, pero siguro naman, mapipilitan na ang mga mambabatas na isulong ang batas na ito ngayon. Ayokong mawalan ng pag-asa.
Ngayon, kung ano man ang magiging resulta ng mga imbestigasyon at ammendments, sa tingin ko, ang pinaka-importanteng tungkulin ay nakasalalay sa taong bayan mismo.
Makialam.
“Science may have found a cure for most evils; but it has found no remedy for the worst of them all -- the apathy of human beings.” - Helen Keller
Noong unang nilabas ng Inquirer ang expose sa Pork Barrel scam, ano kaya ang mangyayari kung walang nagreact, kung ang lahat ay busy sa kanikaniyang mundo. Malamang "business" as usual pa rin ang mga walanghiya. Isipin mo na lang, ilang rebolusyon na ang nangyari sa kasaysayan ng Pilipinas, simula sa himagsikan ng mga Katipunero? Masasabi ko naman na may mga pagbabagong ring naganap. Pero sa banda roon, nagsimula na ring magsawa ang mga tao. Kung matatandaan natin ang mga EDSA People Power na naganap (parang apat na yata), yung dalawa don ay tinangkang patalsikin si Gloria, pero sa dismaya nating lahat, walang nagyari. Kung anong liit nya, sya namang kapal ng mukha. Pero sa tingin ko, malaking bagay din na maraming nawalan ng gana sa pagprotesta. Bakit kamo, eh papatalsikin mo, tapos ganon di ang papalit, o baka mas masahol pa. Hindi ko masisisi kung maraming nawalan ng pakialam. Dahil para na lang tayong sirang plaka na paulit-ulit.
Aaminin ko na dati, isa ako sa mga walang pakialam. Pero nagpapasalamat ako na namulat ako ng maaga, hindi pa huli ang lahat. Malaki ang paniniwala ko na may pag-asa pang bumangon ang Pilipinas. Malaking tulong ang internet at social media sa pagmobilize ng mga tao. Sa oras na ito, mahigit walumpung libong netizens ang nagkumpirma na sasama sa malawakang protesta sa Luneta at iba parte ng bansa gaya ng Naga, Baguio, Iloilo, Cebu, atbp. Di gaya ng mga nakaraang People Power, ito ay nagsimula lamang sa palitan ng kuru-kuro sa Facebook, mga taong bayan na nagbabayad ng buwis at galit na rin sa sistema (obviously hindi ko alam ang buong kwento, basta hindi sya sinimulan ng anumang political group na may sariling agenda). Plano kong sumama, kahit na pakiramdam ko, malabong makinig ang mga kinauukulan (the legislative and executive branch seems to be firm in revising but keeping the Pork system), pero ang desisyon ng pagprotesta, para sa akin, ay isang paninindigan sa aking paniniwala.
Hindi ko sinasabing kinakailangang mamartsa ang bawat Pilipinong nagbabayad ng buwis, ang ibig kong sabihin, ang makialam ay sapat na, kahit pa nasa bahay lang. Yun bang, magbasa-basa lang tayo, intindihin ang nangyayari, paminsan-minsan mag-share sa social media, o kahit ipagdasal lang natin na maayos na ang lahat. Ang importante ay may pakialam tayo, kasi dito tayo matututo. Kung ang mahigit na 11 milyong Pilipino na hindi bumoboto ay may pakialam (myself included, I'm not gonna wash my hands, but NEVER AGAIN), malamang nakapaghalal tayo ng mas karapat-dapat na mga opisyal. Baka hindi ganito kalala ang sitwasyon ng corruption. Hanggang kelan tayo magrereklamo sa bulok na sistema? Di ba mas maganda na maging parte ng solusyon kesa reklamo lang ng reklamo. Nagsisimula lahat, sa pakikialam.
It's the effing golden age of information, nobody has the effing excuse to stay ignorant, silent and apathetic towards issues that will define our future!
Hindi ko alam kung ano ang mangyayari bukas, at least sana maging mapayapa, walang masaktan, walang umepal. Mas maganda kung makikinig ang Pangulo, sapagkat sa kanya na nanggaling, tayo ang boss!